Top Ads One Liner

Database Locking


What a day!

Ano ba ngayon? Araw ng Kagitingin? Ok sige.. binabati ko kayong lahat ng magigiting dyan ng magandang... Pero teka, diba nung Monday naman ang celebration? Nilipat naman sa Monday ang holiday diba, pero bakit?! bakit?! at malaking BAKIT -- na nagkadikit dikit sa mabahong pwit? (bisaya?!)


Bakit sobrang trapik ang Ortigas ngayon, parking lot na naman ang kalsada. Meron bang selebrasyon sa Edsa Shrine?! Ano ba to?! Poootttiiikkk....pano mo lilinisin yan! (Eh di gumamit ka ng dalawang sachet ng sabon..waaah)

Usually, about an hour lang ang travel time pero now, inabot ako ng about 3 hours.. 3 long hours... Buti na lng ayos ang palabas ngayon sa TV ng bus.. The Beegees Concert with Celine Dion, natapos nga namin ang buong CD eh.. habang yung iba eh di na nakapagpigil maglakad-lakad. Kawawa naman yung mga hindi komportable sa mga sinasakyan nila, lalo pa't tumagal ang byahe ng ganito. Sus.. Nainip na rin ako kaya naisipan ko na ring sumanib sa mga taong parang nag-aalay lakad na. Bumaba ako sa Meralco at nakarating sa Edsa Shrine, wala namang espesyal. Wala naman palang event eh pero bakit walang umaandar na sasakyan. Pag tingin ko sa kabila, sa may papuntang Greenhills, dun -- sa may banda dun pala ang hebigat na trapik. Ano bang meron dun? Hayy naku.. Yan na naman.. Kung bakit ganun? Natyetyempuhan ko naman parati jan na trapik, pero bakit ngayon. Abnormal!

Eh di sa skul na naman banda dun..bakit ano bang meron sa skul?! kasi hindi na kaya nung school maghanap ng parking place kaya ginagawang parkingan yung kalsada, eh expected na naman kasi na madaming kotse ang kanilang mga estudyante dapat may alternative na sila para sa mga paglalagyan ng mga yun. Kesa naman napeperwisyo ang mga mas nakakararaming mamamayan na dumadaan sa harap nila. Sobrang perwisyo, yung three lanes kasi ginagamit na as parking space na talaga at isa lang ang nagagamit ng nakakarami. Anu ba yun? Antagal ng ganto ang nangyayari dito, ewan ko kung may ginagawa sila about it. Tingin ko dapat yung school ang gumawa ng aksyon para dito kesa sa MMDA, kasi nasasakupan nila yun eh. Unless binili na nila yung kalsada dun sa harap nila. Pag ganun, problema na siguro ni MMDA yung buhol-buhol na trapik. Hayy, mga pasaway talaga. Ewan ko sa inyo!!

Anyways, sa hinaba-haba ng trapik sa ortigas extension, eto, sa wakas nakarating din sa ofis. At first thing on my mind, mag-submit ng log records. Pero wait, anong oras na ba ngayon? Tae!! naabutan na ko ng database locking.. Waahh.. hindi ko na mahahabol to, hindi pako nakakapagsubmit for this cutoff.. Nyay.. Para sa inyong kaalaman, once na lock na yung database at walang log records... wala na.. wala ng buhay.. at walang himala.. wala na kong sasahurin.. How sad?! :(

Alala ko pa kahapon, nagfile nako ng schedules, nacheck ko na tama naman ang nilagay naschedules. Sobrang gustong gusto ko kasing magwork at hindi ko na naalalang magsubmit ng log records. Hayy..

===========================
Pero in the end, BUTI NA LANG MAY HIMALA ... pala..

love you all... :D

1 comment:

Anonymous said...

hahaah! ambot na lang intawon....