Ang post na ito ay tungkol sa ating bansa. Alam kong super delayed na to para maihabol pa sa 'Araw ng Kalayaan' pero kahit ganun pa man, wala naman pinipiling oras pagdating sa usapan tungkol sa ating bansa.
Ewan ko kung pano nagsimula ang seryosong usapan namin ng ERS team,.
Ang topic namin: ang mahal nating Pilipinas.
Kumusta na ba? Ano na nga bang nangyayari?
Ayun, normal naman. Patuloy lang ang pagtaas ng mga bilihin.
Tapos ang gasolina pumapatak na sa sisenta. Dahil dito marami na ngang gumagaraheng sasakyan, so mawawala na kaya ang trapik?
Mga krimen na laganap pa din. Karumal-dumal ang mga nangyaring massacre sa Laguna.
Ang pangingidnap kay Mareng Ces.
At ang wala na atang kasagutan na CORRUPTION.
Ang pinaka-kawawa: ang mga manggagawang Pilipino at ang mga mahihirap na patuloy lang na naghihirap.
Yung mga iba, tumigil na sa pagasang malutas ang kahirapan sa buhay. Yung iba naman, naglipana sa ibang bansa para hanapin ang kaginhawaan. At iba rin ang nakikinabang sa kanila.
Hayy, kelan ka ba matatahimik?
Pilipinas, may laya ka nga bang lumipad? O tuloy lang, na ikaw ay magdurusa?
Uso ngayon ang mga superhero. Sana nga may Pinoy Superhero na maglalagay satin sa tamang ayos at lilipol sa lahat ng mga masasama. Ang mga mandaraya. Ang mga manhid at makakapal ang mukha na corrupt.
Umayos naman kayo diyan. Magtrabaho kayo ng tama at legal. Kung ayaw nyo, umalis na lang kayo diyan.
Sabagay, kahit sa sarili nating paraan magagawan natin ng kalutasan ang problema ng ating bansa. Maging patas tayo sa kapwa. Ipaglaban natin ang wasto..ang tama. Alam kong may natitira pang Rizal, Bonifacio, Aguinaldo at sino pa diyan na magsisilbing ilaw sa ating kinasadlakan.

No comments:
Post a Comment