Top Ads One Liner

Series of Ewan Part One

Hirap ng pinagseselosan..nakakasira sa pinagsamahan..sa pagkakaibigan..sa magiging magandang samahan...

Ganun ba talaga magselos? Kahit ano na lang, basta walang pwedeng umepal. Di na kelangan kilatisin pa yung mga aaligid-aligid. Basta hindi pwede, hindi talaga pwede. Kung sabagay, kahit ako, ayokong may ibang kahati ng atensyon. Pero syempre kung trust mo yung partner mo na maging loyal, okay lang naman siguro na may umaligid. Pero hindi ko pa rin masabi. Bakit kelangang magselos?

Ang hilig kong magexpect. Naalala ko pa yung biruan namin tungkol sa expect expect na yan. Kelan ba dapat mag-expect? Kailangan bang mag-expect? Ewan ko. Kasi ako, sobra ko lang pinapangalagahan ang bawat bitaw ng salita kaya asahan kong matupad ang dapat matupad. Pero mahirap din kung aasa ka na lang palagi dahil hindi naman sa lahat ng oras eh mangyayari yun. Eh kung bakit kelangan pa kasing magsalita at magiwan ng kung ano ano pang promise. Eh kung hindi kayang gawin talaga, eh di wag ka na lang magsalita.

Kelan kaya titigil ang lahat? Kung kelan wala ng buhay? Nasa iyo naman kasi kung paano mo patatakbuhin ang lahat. Siguro masyado ka ng matulin kaya napagod ka na. May hinahabol ka ba? Kung wala naman, ireserba mo na lang para sa iba. Eh kung talagang kelangan talaga, wag kang tumigil. Habol lang, pasasaan din at maaabutan mo rin. Pero kahit ano pa yan, dadating at dadating ka din dun. Tuloy lang.. tuloy lang ang buhay.

No comments: