Top Ads One Liner

Paalala para sa Ekspedisyon sa Coron

Para sa mga sasama at hahayo sa Coron, pulo sa gawing Busuanga, sa lalawigan ng Palawan, maaari nyo pong basahin ang pinadalang elektronik na sulat ni Ginoong Chin.

PAKIBASA MAIGI.

Kahit hindi ka maigi, dahil sa kapansanan sa utak, dahil sa sumpong ng pagkabaliw, naninikluhod akong nakikiusap na ito'y labanan mo at basahin maigi para sa ikabubuti mo.

Para naman sa iba na hindi sasama, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong yan?
Maikli ang buhay, malayo ang coron, yun lang... Kung nagulahan ka, magulo talaga, ano ba kasi, halina at sumama ka na sa paglalakbay na ito.

Ito na ang huling pagtawag para sa mga sasama.

Dahil kakailanganin natin ng 30% (ng P8200) na paunang bayad para sa kumpirmasyon ng ating pananatili sa loob na 4 na araw, mula mayo 24 hanggang 27.
Ang paunang bayad na ito ay hihintayin ni Ginoong Chin hanggang Abril 24 lamang.

Mga ESPESYAL na banggitin:

Keran - Si RD nagbayad ng pamasahe mong panghimpapawid muna. Sa kanya ka magbayad ng halagang P2193 sa pagkikita kung kailanman.

Barbaru - sumama ka na. ikaw lang wala sa "Crazees".

Lady - sumama ka na din. samahan mo si farrah at hindi siya nagiisang bituin... este "Evil"..

Muli, para sa mga sasama, sino ang magdedeposito ng ating paunang bayad.
Sino malapit sa banko ng BDO?

Kung sino ka man, mangahas ka, sige lang, ikaw ang magaling.
Ikaw na rin ang magAbono.

Pero muli, ndi namin ito tatanggapin bilang kayabangan mo.
Kundi tatanawin namin itong pagmamagandang -loob mo.
Dahil nagmamaganda ka na nman talaga.

Sana tayo ay maglipon para sa usaping ito.

Bow.

*** DULO NG PAALALA ****

No comments: