Para sa mga iba pang nais sumama pero hindi pa malinaw ang kaisipan....
Kami po ay nakapagpareserba na. Paumanhin po. Pero nais naming habulin ang pinakamababang rate na maaaring ialok ng PAL.
Ngunit, wag kayong manamlay, o malumbay, bangkay (ay sorree soree), dahil meron syempreng paraan.
At ito ay naisip na din ng butihing baliw na itago na lang natin sa pangalang leBita.
Eto po ang mga hakbang na dapat ninyong gawin.
Una, Kayo pa ay bumisita sa website na ito: Philippine Airlines
Piliin ang Roundtrip na opsyon.
Biyaheng Manila to Busuanga.
Sa mga araw na nagmumula sa May 24 hanggang sa May 27.
Para sa Fare basis, maaring piliin ang Economy Fiesta o ang Econolight.
Pagkatapos nito, maaari ng tumuloy sa susunod na hakbang.
Para sa aking halimbawa. Pinili ko ang Economy Fiesta.
At para ito sa isang pasahero lamang.
Na ang biyahe ay sa mga araw na nagmumula sa Mayo 24 hanngang sa Mayo 27.
Eto na. Habang nagaantay, kumapit ka. Hanggang may lumabas.
Lumabas na resulta.
Ayan na, pag may lumabas na, magdiwang ka. Tumalon. Umindak. Siguraduhin lamang may tugtog, kung nais umindak, kung hindi, isa ka na talagang ganap na baliw.
Ayos lang yun. Andito kami, kapwa baliw lang din.
Eto ang kabuuan ng iyong babayaran pag ito ang iyong pinili.
Yan ay katulad ng aming kinuhang flight kung nais mong ihambing.
Ito lamang ay mas mahal ng anim na daan.
Nais kong humingi ng paumanhin ulit na nauna kaming kumuha.
Pero dahil na din sa ayaw naming makakuha ulit ng mas mahal pa,
maghintay na baka sa huli ay hindi tumuloy, kami ay nauna ng kumuha.
Ikinalulungkot ko kaibigan, lalo na kung ikaw ay nalungkot din,
ganun tlga ang buhay, una una lang yan. Sa biyahe.
Biyaheng langit man o himpapawid.
Pero, kung iyong mapapansin. Mas mura ang flight sa hapon ng Mayo 27.
Kung nais mong magmaganda, umalis ng hindi nagmamadali sa umaga,
mamili ng mga pasalubong, at magpahuli.
Kung iyon ang iyong layunin, sige humayo ka. Magparami.
Magparami ng iuuwing pasalubong.
Ngunit, subalit, datapwat, huwag mong kalilimutan,
dahil tayo ay magkakaibigan, kung iyong mamarapatin,
baka pwede ka naming pakiusapan.
na ikaw na lang bumili ng aming mga psalubong sa aming mga nais pag-alayan ng mga ito.
Wag mong isipin na nahuli ka na nga, ikaw pa ang napagutusan.
Ganun talaga. Gusto ka naming utusan.
Pero huwag mong itong isipin na isang malupit na kautusan.
Sana ito ay tignan mo sa magandang pananaw.
Na ang iyong kaibigan ay nakikiusap.
At dahil ikaw ay mabuti. Gagawin mo ito.
Kahit pa halos hindi na makita ang iyong mukha sa paglalakad,
sa dami ng dalang pasalubong.
Ipapamalita na lang namin kung gaano ka kabuting kaibigan.
Baliw man o indi. Demonyo man o ndi.
Ayan ang aking impormasyon na nais maibahagi sa mga sasama, nagpipigil sumama, nais at hahabol na sumama.
Hawak mo ang landas at oras ng iyong tatahakin, para sa masayang paglalakbay na ito sa lalawigan ng Coron.
Ang baliw ninyong kaibigan,
paola
No comments:
Post a Comment