Kayo ba ay minsan napapaungol sa gabi? Kung gayon, marahil kayo ay nasasarapan sa pagtulog o kaya naman may matinding aksyon na pinaglalabanan.
July 13, 2010 kagabi nagsimula ang ungol. Walang tigil ang ungol sabay tagatak ako ng pawis...
Pero ito'y hindi dahil sa dalawang nabanggit kong kadahilanan kundi ang pagdaan ng bagyong si Basyang (Typhoon CONSON).
Nung papauwi ako kagabi ay malakas na ang hampas ng hangin sakin. May mga nadaanan akong sirang kwirdas na ng kuryente, mga posteng bumagsak at mga puno na natumba.
Habang papalapit na ko samin, napansin kong walang kuryente dun sa katapat naming village at samin ay meron pa pero hindi pa naghahatinggabi eh nawalan na rin banda samin.
At malamang pati sa ibang parte ng Metro Manila at sabi nga dito (http://ph.yfittopostblog.com/2010/07/13/pagasa-storm-signal-1-up-in-metro-manila/) patuloy ang walang kuryente sa,
portions of Laguna (Canlubang, Calamba, Lisp); Ternate, Cavite; Sta. Maria and Meycauayan Bulacan, and; portions of Metro Manila including Balintawak, Diliman, Kaybiga, Bagbaguin and Quezon City, among others.Ngarag na naman si Meralco at naglipana na naman sila sa daan para ayusin ang mga nasirang kable at poste ng kuryente, pero ayos lang yan.
Nakakatakot nga naman ang mala-pito o maihahalintulad natin sa
Sabay nagtext ang isa kong kaibigan, sabi nya parang New Year na daw sa kanila dahil andaming nagliliparan sa kanila kaso nga lang daw hindi paputok kundi mga yero at kung ano-ano pang bagay.
Okay naman kami, nilalamig lang ako nung una kaya humigop muna ng mainit-init na sabaw kaya ako pinagpawisan..
Ngayon, nasa Zambales na si Basyang.
Sana okay kayong lahat diyan...Be safe lang lagi. ;)
No comments:
Post a Comment