Sa aking paglalakbay kung saan man, aking napuna na minsan eh masyado na atang masikip ang mundo o sadyang hindi lang tama ang mga pangyayaring ito kaya ko naisulat ang mala-nobelang post na to..
Minsan tuloy, natatanong ko sa aking sarili...
Masaya nga ba pag masikip?
Eto ang pinagnilay-nilayan ko sa katanungang iyan.
*Note: Dahil sa kahabaan ng aking post, pinaghiwa-hiwalay ko na lang ang mga piling eksena.
MRT
Oo, sabi nga nila maaga kang makakarating sa iyong paroroonan dahil sa mabilis ito at walang sagabal o trapik na araw-araw yata eh binibigyan ng kahulugan ni EDSA.
Pero bakit ganon, wala atang pinipiling oras at natyempuhan pa talaga ako ng pagkadami-daming pasahero.
Galing akong Ayala matapos ang movie date namin ng aking mga mahal na kaibigan at ngayon patungo naman sa isang despedida ng isa ko pang kaibigan. Pinangarap kong makasakay sa MRT para lang makahabol kahit papano sa kanyang party.
Ang kabuuan ng kapalaran ko sa MRT.
Para sa kin, hindi yun masaya.
BUS
Masaya sa bus dahil entertaining dito. Maliban sa ito ay airconditioned eh meron pang telebisyon o kaya naman eh radyo. At pag sinuwerte ka nga naman, may DVD pa na mapapanood ang kasalukuyang pinapalabas pa lang sa sinehan dahil yan sa mga pirated CDs/DVDs.
Kaso bakit parang moody sa bus. Minsan masaya dahil mabilis at parang walang nakakaantala sa byahe. Minsan parang horror lang, matatakot ka dahil sa sobrang tulin nya na tipong lilipad na siya sa ere. Minsan naman nakakaasar dahil sa maraming stopover. Kada saang sulok, basta may tao eh, kanilang pinapasakay.
Kuya, puno na ata tayo. Pero sige sakay pa rin ng sakay, hanggang jampacked na at siksikan na sa gitna ng bus at kung san san na kakapit tapos bigla pang sisingit si manong konduktor at mangongolekta na ng pamasahe. Talaga naman.
Mga iba pang kalokohan sa bus.
Para sa kin, hindi ito masaya.
DYIP (Jeepney)
Dahil sa mura ang dyip at mas accessible ito sa mga pupuntahan, marami pa ring sumasakay dito. Madami ring pakulo rito, meron yung pagpasok mo pa lang eh parang namali ka na ng sinakyan dahil animo'y parang disco sa pagkalakas-lakas ng tugtuging upbeat. Meron naman yung mga businang malalandi kagaya na lang ng 'witwiw' at mga nakakagulantang at pinagbabawal ngayon na 'wangwang' at kung ano-ano pang tunog. Sa mga tinatamad namang sumigaw ng 'para', eh may hahatakin ka na lang na lubid at kagaya nga ng sabi sa karatula ay kusang mag-stop na ang dyip. Wala talagang kupas ang dyip.
Kita mo nga naman ang Pinoy, ang galing gumawa ng paraan. Gagawin ang lahat, mapagkasya ka lamang. Siguro kahit ngayong panahon ng ating bagong presidente na si PNoy (Noynoy), mas magiging siksikan ang mga tao dahil nga sa sinabi nyang, "WALANG MANG-IIWAN", sino nga ba ang gustong maiwan. Pero siyempre, sana hindi sa ganitong pamamaraan kundi sa sama-sama natin sa landas na matuwid at pagkakaisa para sa ikauunlad ng bayan. Kailangan natin gawin ang kanya-kanyang parte natin dahil hindi ito magiging maayos hangga't may isa na hindi umaayos.
Sa huli, siguro depende pa rin sakin kung masaya ang masikip.. siguro depende na lang kung ano ang papasukan.. na situwasyon.. :P

2 comments:
ang sigurado-- masaya pag marami.
parang orgy. haha biro lang
:-)
@abou: waaahh.. panalo ka talaga, master..
Post a Comment