Kung dati ang post ko ay tungkol sa Init sa Tag-init, ngayon panahon na para sa Init sa Taglamig.
Well, nagising ako ng mga alas singko ng madaling araw hindi dahil sa lakas ng hangin sa labas. Tumayo ako at napatingin sa aking bintana. May bagyo pala. Tsk. Tsk. Umuungol ang kalangitan. Tila nagtatampo. Nananadya. Nagsara ako ng pinto sa may likuran namin, ngayon ko lang to isasara uli. Mahirap na.
Medyo gininaw tuloy ako. Hindi na ko makatulog. Parang ang sarap manggigil. Konting himas-himas at payakap yakap sa mga unan. Hayy..
Nagmuni-muni na ko dahil lalabas pa rin ako ng bahay para kunin ang padala ng Mama ko. Sinuong ko ang malakas na ulan, dala-dala ang payong na hindi din tumagal at nasira. Iniwan ko na lang sa may tabi. Sa mga nadaanan ko, madami ding bumigay na poste, billboards at kung ano-ano pa. Grabe ang mga pinsala. Pagbalik ko ng bahay, basang-basa ako at nilalamig pa din. Hinubad ko na lang muna damit ko para magpunas-punas. Medyo dinaan ko muna sa pagtratrabaho sa bahay para lang mapawi ang nagyeyelo kong katawan. Tapos naligo ako, syet, ang lamig din pala ng tubig. Waaah.. Pakiramdam ko magkakasakit na ako. Ahhh.. Kelangan ko ng mainit.. Kelangan ko makaramdam ng init sa katawan. Anong gagawin ko? Wala pa naman akong kasama.
Huh?! Teka lang.
Ayun, pagkakataon ko na to!
Buti na lang nakahanap ako..
..ng noodles at niluto ko agad gaya ng dati kong recipe (with egg) at nang makahigop ako ng mainit-init na sabaw. Walang kasing sarap. Tumpak talaga sa panahon. Kelangan ko lang pala ng mainit na sabaw.

3 comments:
Kung init sa taglamig ang tema ng iyong kwento, ang sa akin naman ay hang-over sa tag-ulan. Bwahahaha.
@mugen: ibang klase yan ha. Minsan try ko din, wahaha.
Nice Ardee... Tama lang 'yan... kailangan nating magpainit ngayon tag-ulan...
Post a Comment