Top Ads One Liner

Masaya Pag Masikip: Ang Kapalaran sa MRT

Ayun na nga ako'y nakipagsapalaran sa pagsakay sa MRT at mukhang ako'y napasubo sa pagkasikip-sikip na tren kung bakit walang overloading na wangwang para mapigilan naman yung iba sa pagpasok. Tulak dito at tulak doon. Dukot diyan at marahil kung san-san pa ang pinagdududukot. Ayos naman at ako'y safe sa aking kinatatayuan, problema na nga lang na hindi ko na ata makakaya eh ang amoy na hindi ko mawaring pinaghalo-halong pawis, potok at kung ano-ano pa. Di na kinaya ng mga lahing mababango at kung meron mang air freshener sa tren na yun eh wala na rin saysay dahil sa lakas ng kanilang pwersa.

Sabi nga ni Manilenyo in Davao, "Sana may Pila… mas maayos, mas maganda.. may disiplina. Pag di maayos, Parang wala TAYONG pinag-aralan niya."

At dudugtungan ko na din, "at para hindi mabaho. haha"

No comments: