Top Ads One Liner

Masaya Pag Masikip: Walang Kupas na Dyip

courtesy by Ialman

Kung siksikan lang naman ang labanan, eh hindi ito magpapatalo. Masikip talaga pag nagkataon dahil kahit isang pisngi ng pwitan ni Ate basta makarating sa pupuntahan, eh ayos na. Yung iba naman eh naghahari-harian na kesyo malaki eh isisiksik talaga ang sarili na akala mo naman eh sila ang naunang umupo. Yung hindi naman ganun kapalad na makikiusog sa mga kapwa pasahero ay hindi napapagbigyan at parang deadma epek lang ito sa kanila.
Sa probinsya, ito'y gamit na gamit dahil na rin sa magkakalayo ang mga karatig-bayan at nabibilang lang ang mga dyip kaya kung ilan-ilan ang nakasakay at pinagkakasya pati lahat ng mga bagahe sa loob, sa labas, sa harap, sa tuktok at pati na rin siguro sa tagiliran. Kulang na lang eh pati sa gulong, may ilalagay. Gaya ng nasa larawan ni Ialman.

No comments: