Top Ads One Liner

Lutong Ardee

Kamakailan, dumating ang aking pamilya sa aking tinutuluyan. Nasa finishing phase na ang aming project, pero naudlot dahil mas ginusto kong asikasuhin sila lalo na tong makulit kong pamangkin na si Jelo. Sobrang energetic at bibong bata, at para lang kaming magkasing-edad kung mag-usap. andaming gustong gawin, daming gustong puntahan, daming tanong at daming kwento. Andami-dami. Isama pa ang pagiging adik nya sa digicam.

Since nandito sila at nagcracrave ako ng mga pagkain samin eh ayun pinaghanda ako ng Mama ko ng masarap na dinengdeng. Sobrang nabusog na naman. Dami ko na naman nakain. Wahaha. Tapos, kung ano-ano pa ang pinagshopping para sakin. Hayy..akala ko aasikasuhin ko sila.. si mama talaga, sobrang ako pa ang inasikaso.. :D

Nakabonding ko din ang dalawa kong sis about their whereabouts and mga other relatives namin dun sa province. Nagpaiwan pa nga sila for a day and syempre it was my time at ayokong hayaan na umalis sila na hindi nila matikman ang aking hinanda.

Ang lutong ardee..pinakbet :P



Sensya wala akong pic nung dinengdeng, naunahan ako ng gutom at naubos ko agad.. wakokok..

*Dinengdeng - Ilocano dish with various veggies classified with bagoong(of fermented fish)-based soup. Depends on you if you want to add leftover fried fish, or other meats.

4 comments:

. said...

sarap namang gulay niyan! Heheh.

Kape Kanlaon\ said...

hmmm... nice to ah.. fave ko din ang veggies kasi..

hope to xlinks..

Eben said...

inggit ako! miss ko na ang Pinakbet at Dinengdeng. ginanahan tuloy ako magluto.

Anonymous said...

im back...