Top Ads One Liner

Xmas na! Merry-galo ka na?

Parang kailan lang, eto xmas na naman! Grabe, bilis. Dati alala ko pa sobrang naaliw ako sa dinadaanan ko pag umuuwi, dahil sa mga parol at iba ibang palamuti na binebenta nila. Sobrang ramdam na ramdam mo na ang pasko kahit nobyembre pa lang. Ngayon, eto na naman sila. Nagbibigay aliw sa paningin dahil sa mga pinapamalas nilang galing sa pagdisenyo ng iba ibang mga parol. Mas dumami at mas kakaiba ang mga ginawa nila.

Nakakatuwa naman talaga. Pero isa din tong reminder sakin na kelangan ko na din palang maglista ng mga reregaluhan at mga ihahanda para sa Noche Buena.

Gifts sa family, sa friends, sa pamangkin, at mga inaanak
Monito-monita sa ofis at pang exchange gifts
At least, makapamahagi din sa less fortunate kids

Ang tanong: merry-galo na ba ko sa kanila?
Nyayyy.. wala pa. Mukhang rush na naman to.

Kayo meron na?

No comments: