Top Ads One Liner

Transformers 2 Now Showing

No comments:
Yes, the much awaited sci-fi action film is now showing on theaters near you.




Si Bords At Ang Peysbuk

1 comment:
Halu. Napadaan lang. Ako nga pala si Bordz, isang cute na cute na pet sa mundo ng peysbuk. Gusto ko lang ishare tong piktyur na to na kuha sa aking bahay habang nagmumuni-muni sa aking munting desk dahil kabibili ko lang nito. Ayos ba? Medyo wala pang laman kasi ako'y kumakayod pa para makabili ng iba pang gamit na kakailanganin ko. Grabe din. Kailan lang ako dito pero eto sobrang naaaliw sa mga nangyayari sa pang-araw araw na buhay ko at siyempre sa mga kasama kong pet dito na aking trinatabaho din..har..har...

Ang saya saya ng pet society ko, tahimik at sobrang nakakaadik. Baka gusto nyo naman itry samahan ako.. hihii.. Taralets!!

============================================
Ayan boss, medyo busy sa pet-so..ahahah.. magfb ka na.. hehe

Sagot sa Paalala ng Munting Baliw

No comments:
Kailan gaganapin ang ating mahalagang pagtitipon? Dapat ito'y maisagawa sa lalong madaling panahon upang tayo'y magdiwang, hanggang sa masiraan ng bait. Kung inyong mamarapatin, ako’y sukdulang magmamaganda, na magkusang mag alay at mag sakripisyo ng aking laman at kaluluwa upang makapagbigay na mauna sa ating babang-bayad (downpayment). Subalit, kung maari po lamang, sa ating pagtitipon na gaganapin, ay maibahagi nyo na rin sa akin ang inyong munting kayamanan, sapagkat ako’y mayroon ding paglalaanan ng salapi sa ibang bagay. Pakiusap ko lamang po na ipadala mo sa akin crazee bubu (hehe) ang detalye ng bangkong aking paglalagyan.

Maraming salamat po sa pag intindi kahit kayo’y nahihirapan, naiintindihan ko sapagkat alam kong kayo’y may kapansanan sa utak, ako’y ngdadalamhati at nagagalak din dahil dito. Di ko na alam kung tama ang aking pangungusap kaya’t ako’y mgpapaalam na. Paalam aking mga kaibigang baliw at masasama, nawa’y kayo’y magturok na ng inyong gamot upang kayo’y mahimasmasan kahit saglit lamang.

**** KATAPUSAN NG SAGOT ****



Name the Famous 100

3 comments:

Paalala para sa Ekspedisyon sa Coron

No comments:
Para sa mga sasama at hahayo sa Coron, pulo sa gawing Busuanga, sa lalawigan ng Palawan, maaari nyo pong basahin ang pinadalang elektronik na sulat ni Ginoong Chin.

PAKIBASA MAIGI.

Kahit hindi ka maigi, dahil sa kapansanan sa utak, dahil sa sumpong ng pagkabaliw, naninikluhod akong nakikiusap na ito'y labanan mo at basahin maigi para sa ikabubuti mo.

Para naman sa iba na hindi sasama, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong yan?
Maikli ang buhay, malayo ang coron, yun lang... Kung nagulahan ka, magulo talaga, ano ba kasi, halina at sumama ka na sa paglalakbay na ito.

Ito na ang huling pagtawag para sa mga sasama.

Dahil kakailanganin natin ng 30% (ng P8200) na paunang bayad para sa kumpirmasyon ng ating pananatili sa loob na 4 na araw, mula mayo 24 hanggang 27.
Ang paunang bayad na ito ay hihintayin ni Ginoong Chin hanggang Abril 24 lamang.

Mga ESPESYAL na banggitin:

Keran - Si RD nagbayad ng pamasahe mong panghimpapawid muna. Sa kanya ka magbayad ng halagang P2193 sa pagkikita kung kailanman.

Barbaru - sumama ka na. ikaw lang wala sa "Crazees".

Lady - sumama ka na din. samahan mo si farrah at hindi siya nagiisang bituin... este "Evil"..

Muli, para sa mga sasama, sino ang magdedeposito ng ating paunang bayad.
Sino malapit sa banko ng BDO?

Kung sino ka man, mangahas ka, sige lang, ikaw ang magaling.
Ikaw na rin ang magAbono.

Pero muli, ndi namin ito tatanggapin bilang kayabangan mo.
Kundi tatanawin namin itong pagmamagandang -loob mo.
Dahil nagmamaganda ka na nman talaga.

Sana tayo ay maglipon para sa usaping ito.

Bow.

*** DULO NG PAALALA ****