Top Ads One Liner

Salitang Ewan

Mga salitang naglipana sa apat na sulok ng opisina at sa tabi-tabi ...

1. Pambe - pinaikling salita sa 'pambihira'. Alam mo naman tau, parang text kung magsalita.

2. Wushu - ang pagkakaalam ko, ito yung pinasosyal na salita sa 'charing'.

3. Bru - sa umpisa, parang pinatigas na salita para sa 'bro' o brother pero hinde.. eto lang naman kasi yung mga taong komplikado, yung mga bru..bruhaha.. hehe.. galing sa isang kanta ng isang Joey de Leon.

4. hayup - salitang faja/pojong, kaopismayt ko. parang bru din kaso hindi lang kasi tao ang napagsasabihan nito ...wahahaha...

5. woot - parang syet lang! pag medyo napapamura ka, mag-WOOT ka na lang.


6. champoong - ibig sabihin lang nito ay gutom ka na. At wala ng ibang lumalabas sa iyong bibig kundi 'champoong'.

7. PG - aakalain mong pagkawholesome to dahil parang Parental Guidance, pero hindi rin. PG ay katumbas ng patay gutom. wahahah

8. fifi - fafa/papa daw. hindi ko alam kung bakit fifi pa.

9. level 10 - eto yung mga taong kakatakutan at mahihiyang kalabanin sa fusball. Dahil sa lebel nila, hindi mo na sila matignan ng deretso.

10. complicated - siya lang ang nakakaalam nito. basta siya.

11. anubayun - salitang emorej. pag napapaheaven ang feeling mo.

12. gumaganun - ewan ko. basta yung ganun daw.

Bagong bigkas ng salita (Source: Bubble Gang)
theater - cheter
phone card - pongkard

Pahabol: WOOT pala is expressing joy from the gaming world, 'We Own the Other Team'.. Tama ba?

No comments: