Top Ads One Liner

Pagibig na Kaya

"Mula ng makilala ka aking mahal,
Di ako mapalagay sa kakaisip ko sayo.."

"Maging sa pagtulog ay panaginip ka
Pagkat ang nais ko sana
Kapiling ka sa tuwina.."

"Ano bang nakita
Ng puso kong ito sa yo?
Kapag ika'y kasama
Anong ligaya ko sinta"


Katulad ng mga kataga sa isang kanta, ganun din ang aking nadarama pag kasama kita.

Nung una pa lang kitang makilala, alam kong ikaw na.
'Sa wakas, nakita ko na ang buhay ko na nasa tahimik..'

Simula nun, walang araw na hindi kita inalala. Tineteks para lang matiyak na nandiyan ka. Kung pwede nga sanang kasa-kasama na lang kita parati. Sa madaling sabi, naging karugtong ka na ng buhay ko.

Nasundan ang mga minsan nating kasiyahan. At habang tumatagal, lalo tayong nagkakalapit. Pero habang tumatagal din, lalong nagiging mahirap. Yung tipong nakakasikip sa dibdib. Yung parang may kirot. Katulad na lang ng pag umaalis ka, hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Parang ayaw kitang pakawalan. Parang gusto kitang pigilan, kung sana pwede lang..kung sana pwedeng tumigil na lang ang oras para sa atin..sana dito ka na lang..dito sa tabi ng puso ko..

Alam kong baliw na ko sayo, mahal kita at alam mo yan.

Pero ewan. Puro sana na lang. bakit ganun? Kung kelan sigurado na ko.

Anong kelangan nating gawin? Tayo ba talaga gagawa nun, o ako lang?

Sige, tingin ko.. ako na lang muna sa ngayon. Kelangan ko lang naman turuan ang puso ko na hindi pwede maging tayo. Posible naman yun diba? Kaso paano, parang mahirap din ata.. mas mahirap kesa mahalin ka.

========================================================
Hoy, gising ka na! hanggang kaibigan ka na lang muna. saka na pag pwede na siya.

Lintik na pagibig..

11 comments:

Anonymous said...

hmmm???? sino ang mahiwagang babae.. ardee magsabi ka ipaglaban mo ...suportahan kita.... =p

**bing***

Emierald said...

Ardee sino ba kase ang maswerteng babae na yan? Mukhang tinamaan ka na talaga ah. hehe.. good luck sa love life mo.

ardee sean said...

@bing: "Tila ibon kung lumipad
Sumabay sa hangin
Akoy napatingin
Sa dalagang nababalot ng hiwaga..."

i'll think about it, bing..tanx in advance :P

@emierald: Tinamaan ng malupit..hehehe.. cheers!

M A K R E said...

da who ito papa? yehess!! go for it ardee! ipakilala mo naman samen maswerteng babae! :D :D

~ My ~ said...

kwento! kwento! kwento! kwento!
kailan ba namin sya makikilala o kilala na ba namin? :p

go for it!

ardee sean said...

@makre: ei krissy..hindi lang maswerte,.. siya ang pinaka-maswerte if and only if.. sabi nga ng iba, its still fun to be single and I'm one of them. The post is just a picture of love that comes knocking on the door, and if in reality it happens, i'll wake up but not until i tell her what i feel. And if things go fine by then, that would be another story.. :P

@~ My ~: yeah, i'd go for it ms mye if it happens! there's no harm if i try.. :P

M A K R E said...

huwaatt?!?! daydreaming lang lahat ng yan? oh come on ardee imposible yan. >_<

pag tinamaan na, anu ba push lang! ;))

~ My ~ said...

@makre: di ko nakikitang daydreaming lang ni ardee yun haha. ayaw lang talaga magkwento. batukan ko na ba? wahahaha.

@ardee: kwento! at isa pang go for it! hehe.

ardee sean said...

@makre & @~ My ~: anu ba yan! (emorej's rotating eyes)

M A K R E said...

@ate mye & ardee: true! ayaw lang ishare! BE PROUD! anu ba! rawwrrr!

ardee sean said...

isa uling anu ba yun.. boss emorej, BE PROUD daw..hehe..sounds familiar sayo..