Top Ads One Liner

Balik Eskwela Na Naman

Tara na, balik eskwela na naman tayo. Ngayong araw na ito ang muling pagbubukas ng mga paaralan para sa school year 2010-2011.

Handa na ba kayo?

Yung mga uniporme nyo ba eh plantsado na at nakasabit na sa aparador?
Nashine nyo na ba ang inyong mga sapatos? o may bagong bili kayo ng sapatos?
Pag kinder o elementarya ka, nalagyan mo na ba ng plastic cover ang madami mong books at notebook?
Lahat ng sizes ng papel, meron na ba?
Maganda ba pagkaayos ng pencil, bolpen, sharpener, eraser sa iyong pencil case?
Kung sa highschool ka naman, siguro binder at bolpen pwede na. Siguro mas ang inaatupag mo eh yung pampaarte o pampa-cute na lang. At excited ka na talagang pumasok nyan kasi makikita mo na uli ang crush mo.. wahaha
Kung college ka, bolpen na lang dalhin mo..hahah kasi mabubuhay ka naman ng puro photocopy na lang..

Hayyy.. kaw ba, paano ang iyong paghahanda sa pasukan?

No comments: