Top Ads One Liner

Tag-ulan Na Nga

Matapos tayong gawing barbeque sa magdamag at pinapawis ng balde-balde sa mahabang panahon, eto na...

Medyo pabugso-bugso man siya na parang nahihiya pa eh at least dumating na siya. Ewan ko ba, sa inaraw-araw na pinapanalangin kong sana medyo lumamig lamig naman eh ngayon lang nakaramdam. Antagal kong maka-adjust ng ganoong katinding init, at pati na rin siguro ng karamihan. Siguro isang buong linggo na nahirapan akong ayusin ang aking pagtulog dahil dito.

Panaka-naka ang pangungulimlim ng mga ulap.
Sa gabi, medyo humahangin-hangin na eh dati kahit buga lang ng konti pinagdadamot pa waaahhh.
Sa umaga, medyo malamig na ang tubig panligo na dati din eh daig mo pa ng nakaheater dahil sa mainit yung tubig.
Ngayon, uso na uli ang payong at medyo sinisipon na naman ako.

Kaya masasabi ko..
ito na nga ang simula ng tag-ulan.

2 comments:

Emierald said...

hahaha nakakarelate ako sayo.. para kang nag sauna araw-araw tapos yung tubig panligo kulang nalang parang boiled water na at tipong di ka pa natatapos maligo eh pinagpapawisan ka na naman.. at gugustuhin mo n ngang lagyan ng yelo yung tubig panligo mo..

Buti nalang tag-ulan na, medyo malamig na nga ang hangin.. ramdam ko na yung lamig ng aircon.. ay sorry ang haba na pala ng comment ko, parang nag blog na ako sa blog mo.. hehe.. :P

ardee sean said...

@emierald: naks, nakakahawa ba ko? nagbloblog ka na uli hahaha. actually inisip ko na din yung lagyan ng yelo yung tubig panligo. grabe kasi init din talaga. wow aircon, iba na talaga. sorry hanggang number 3 lang ng electric fan kami hehe, pero ngayong tagulan na, nasa number 1 nalng :P