Top Ads One Liner

Init sa Taglamig

3 comments:
Kung dati ang post ko ay tungkol sa Init sa Tag-init, ngayon panahon na para sa Init sa Taglamig.

Well, nagising ako ng mga alas singko ng madaling araw hindi dahil sa lakas ng hangin sa labas. Tumayo ako at napatingin sa aking bintana. May bagyo pala. Tsk. Tsk. Umuungol ang kalangitan. Tila nagtatampo. Nananadya. Nagsara ako ng pinto sa may likuran namin, ngayon ko lang to isasara uli. Mahirap na.

Medyo gininaw tuloy ako. Hindi na ko makatulog. Parang ang sarap manggigil. Konting himas-himas at payakap yakap sa mga unan. Hayy..

Nagmuni-muni na ko dahil lalabas pa rin ako ng bahay para kunin ang padala ng Mama ko. Sinuong ko ang malakas na ulan, dala-dala ang payong na hindi din tumagal at nasira. Iniwan ko na lang sa may tabi. Sa mga nadaanan ko, madami ding bumigay na poste, billboards at kung ano-ano pa. Grabe ang mga pinsala. Pagbalik ko ng bahay, basang-basa ako at nilalamig pa din. Hinubad ko na lang muna damit ko para magpunas-punas. Medyo dinaan ko muna sa pagtratrabaho sa bahay para lang mapawi ang nagyeyelo kong katawan. Tapos naligo ako, syet, ang lamig din pala ng tubig. Waaah.. Pakiramdam ko magkakasakit na ako. Ahhh.. Kelangan ko ng mainit.. Kelangan ko makaramdam ng init sa katawan. Anong gagawin ko? Wala pa naman akong kasama.

Huh?! Teka lang.

Ayun, pagkakataon ko na to!

Buti na lang nakahanap ako..

..ng noodles at niluto ko agad gaya ng dati kong recipe (with egg) at nang makahigop ako ng mainit-init na sabaw. Walang kasing sarap. Tumpak talaga sa panahon. Kelangan ko lang pala ng mainit na sabaw.

Pagibig na Kaya

11 comments:
"Mula ng makilala ka aking mahal,
Di ako mapalagay sa kakaisip ko sayo.."

"Maging sa pagtulog ay panaginip ka
Pagkat ang nais ko sana
Kapiling ka sa tuwina.."

"Ano bang nakita
Ng puso kong ito sa yo?
Kapag ika'y kasama
Anong ligaya ko sinta"


Katulad ng mga kataga sa isang kanta, ganun din ang aking nadarama pag kasama kita.

Nung una pa lang kitang makilala, alam kong ikaw na.
'Sa wakas, nakita ko na ang buhay ko na nasa tahimik..'

Simula nun, walang araw na hindi kita inalala. Tineteks para lang matiyak na nandiyan ka. Kung pwede nga sanang kasa-kasama na lang kita parati. Sa madaling sabi, naging karugtong ka na ng buhay ko.

Nasundan ang mga minsan nating kasiyahan. At habang tumatagal, lalo tayong nagkakalapit. Pero habang tumatagal din, lalong nagiging mahirap. Yung tipong nakakasikip sa dibdib. Yung parang may kirot. Katulad na lang ng pag umaalis ka, hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin. Parang ayaw kitang pakawalan. Parang gusto kitang pigilan, kung sana pwede lang..kung sana pwedeng tumigil na lang ang oras para sa atin..sana dito ka na lang..dito sa tabi ng puso ko..

Alam kong baliw na ko sayo, mahal kita at alam mo yan.

Pero ewan. Puro sana na lang. bakit ganun? Kung kelan sigurado na ko.

Anong kelangan nating gawin? Tayo ba talaga gagawa nun, o ako lang?

Sige, tingin ko.. ako na lang muna sa ngayon. Kelangan ko lang naman turuan ang puso ko na hindi pwede maging tayo. Posible naman yun diba? Kaso paano, parang mahirap din ata.. mas mahirap kesa mahalin ka.

========================================================
Hoy, gising ka na! hanggang kaibigan ka na lang muna. saka na pag pwede na siya.

Lintik na pagibig..

Pinoy Superhero

No comments:
Ang post na ito ay tungkol sa ating bansa. Alam kong super delayed na to para maihabol pa sa 'Araw ng Kalayaan' pero kahit ganun pa man, wala naman pinipiling oras pagdating sa usapan tungkol sa ating bansa.

Ewan ko kung pano nagsimula ang seryosong usapan namin ng ERS team,.

Ang topic namin: ang mahal nating Pilipinas.
Kumusta na ba? Ano na nga bang nangyayari?

Ayun, normal naman. Patuloy lang ang pagtaas ng mga bilihin.
Tapos ang gasolina pumapatak na sa sisenta. Dahil dito marami na ngang gumagaraheng sasakyan, so mawawala na kaya ang trapik?
Mga krimen na laganap pa din. Karumal-dumal ang mga nangyaring massacre sa Laguna.
Ang pangingidnap kay Mareng Ces.
At ang wala na atang kasagutan na CORRUPTION.

Ang pinaka-kawawa: ang mga manggagawang Pilipino at ang mga mahihirap na patuloy lang na naghihirap.

Yung mga iba, tumigil na sa pagasang malutas ang kahirapan sa buhay. Yung iba naman, naglipana sa ibang bansa para hanapin ang kaginhawaan. At iba rin ang nakikinabang sa kanila.

Hayy, kelan ka ba matatahimik?
Pilipinas, may laya ka nga bang lumipad? O tuloy lang, na ikaw ay magdurusa?

Uso ngayon ang mga superhero. Sana nga may Pinoy Superhero na maglalagay satin sa tamang ayos at lilipol sa lahat ng mga masasama. Ang mga mandaraya. Ang mga manhid at makakapal ang mukha na corrupt.

Umayos naman kayo diyan. Magtrabaho kayo ng tama at legal. Kung ayaw nyo, umalis na lang kayo diyan.

Sabagay, kahit sa sarili nating paraan magagawan natin ng kalutasan ang problema ng ating bansa. Maging patas tayo sa kapwa. Ipaglaban natin ang wasto..ang tama. Alam kong may natitira pang Rizal, Bonifacio, Aguinaldo at sino pa diyan na magsisilbing ilaw sa ating kinasadlakan.

What Happens When You Get Drunk

3 comments:

Matagal tagal na din akong hindi nalalasing. Hindi na tulad ng dati na to the maxx talaga pag uminom. Yung tipong hindi mo na namamalayan ang lahat-lahat. Yung parang lutang sa kawalan.

Back in my younger years, kanya-kanyang trip ang tropa pag nalalasing. May isang masyadong makapag-emote na parang teledrama ang buhay, daig pa ang 'Maging Sino ka man'. Yung isa naman kwento ng kwento at madaming pang kwinekwento na minsan wala na din talagang kwenta.Yung iba naman, nagkakamabutihan at nagshe-sharean ng kasweetan. Yung isa, hindi na makatayo at parang sanggol na kung kumilos pabalik ng higaan. Yung weird naman, nasa banyo, kunwari mag-c-CR daw pero ni hindi na lumabas dahil nakatulog na pala sa bowl.

Masaya. Everybody happy lang. Riot. Basahan. Pagdating ng umaga... pagmulat ng mata, langit nakatawa.. Sa batibot.. sa batibot.. waaahh disaster na pala. Parang dinaanan ng kakaibang uri ng kalamidad.

Ngayon, nasa taunang outing ang kompanya namin. Dun ulit kami sa Subic at mag-oovernight kami.

Yung nasa pic, madaling araw na yan. Kasama ang bote ng Lambrusco. Nahilo kasi ako at natumba.

Ano bang nangyari kagabi? Well, hindi ko na din talaga alam.. Wahaha.. Ang alam ko lang nahilo ako tapos natumba tapos di ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.

Sige try ko mag-flashback. Pagdating namin sa Subic, kumain na kami agad ng lunch at pag katapos eh naghanda na patungong Zoobic Safari. Matagal-tagal yung tour namin dun, nakabalik na kami sa venue for dinner na. So yun, nagdinner na kami habang pinanood yung hinandang event. May mga nag-iinuman na that time, kami naman napadpad sa inflatables area. Wala lang gusto lang namin magpagod sa gabi. After mapagod, balik na kami sa hotel ng mga about 1AM. Ayun naglinis ng katawan, tapos naglaro. Dun ako nahilo sa larong yun. 'TRUTH or CONSEQUENCE' kung tawagin siya, at pinili kong magconsequence sa first round. Ayun lugmok agad, ano yung consequence: hawakan ang kanang tenga ng kaliwang kamay habang ang kanang kamay nakaturo sa sahig at kelangang umikot ng limang beses habang papalapit sa audience. Ang resulta: BAGSAK!

Hindi naman ako pinabagsak ng bote na yun kasi ni patak hindi ako uminom nun. At kahit naman uminom ako, parang juice lang naman daw siya. Sa ngayon, kung may inuman man, stop na ko pag naabot ko na yung toxicity level ko. Kasi galing na naman ako dun. Ngayon alam ko pa ang mga ginagawa ko.

Kaw? What happens when you get drunk..

Finding Happiness

7 comments:
Its but normal when we sometimes ask ourselves questions about 'happy-ness'. Sometimes we really do think a lot about it because we are all in pursuit of it.

Whenever I ask myself questions like 'Am I happy?', sometimes I tend to mix it up with contentment. But then suddenly I realize that, its a different thing. I believe, they just don't go together. For me, contentment is a more deeper feeling of happiness.

Happiness comes in different ways, doing good deeds and making others happy makes me happy. And so with the questions of 'happyness', if I sometimes feel lonely, I try enumerating things, simple things that makes me happy.

We should know the things that makes us happy. Because we know more ourselves than the others. But not knowing one is like what I've said, is just normal. Maybe sometimes we are just too numb to feel it. We need to be true to ourselves in order to feel it. Or moreso, maybe we just need to find ourselves first before happiness sits in.

====================
This is my answer.

The Atonement of Briony Tallis

4 comments:
It started with a young girl named Briony. Briony Tallis had just done her first play, The Trials of Arabella which she regards it about "the complications of love".

At a young age, she have had an admiration with the son of their housekeeper, Robbie but Robbie was more inclined to her elder sister Cecilia. In fact, Robbie and Cecilia are in love. But never long enough, they had their struggles.

Robbie was wrongly accused by Briony of raping Lola, their cousin. But Cecilia never believe he is guilty because as she would say, her sister was subjected to telling stories.

Robbie was in prison and soon released but to join the army. Robbie was reunited with Cecilia before his deployment, and they renewed their love and he made a promise to return to her. Cecilia has refused contact to all of her family since they all believe in Robbie's guilt.

Briony happen to see that Lola would marry Paul Marshall, the friend of their elder brother Leon. Paul was once acquainted with them when they welcome Leon back in their estate. They had dinner and then was interrupted when Lola and her twin brothers had gone away back home. Immediately the family split up together to find them but then Briony witnessed Lola was beeing raped. This was the same night that Robbie was accused.

Briony realizes that it wasn't Robbie after all, but was Paul Marshall who have done it. She misinterpreted her sister's relationship with Robbie and that she made a disastrous mistake by accusing him. Briony now confesses with the two at June, to apologize directly and to withdraw her accusations. Robbie angrily confronted Briony. And the couple demanded to tell her family and the authorities the truth.

The story now shifts to a time where an elderly Briony is being interviewed for her later released novel, 'Atonement'. She stated that it is autobiographical though the ending was been changed. In reality, she says she never had the courage to see her sister to tell the truth. Also, Robbie had died at June first, the last day of the evacuation and Cecilia had been drowned in October. She gave chance to her sister and Robbie the hope and the happiness that they had deserved. Now, her novel serves as her atonement to the destructive acts that prevented the love of Robbie and Cecilia which she has always regretted.

The Call to Narnia

1 comment:

I have watched Narnia: Prince Caspian at last.

Well, I was kinda expecting a lot but it turned out to be just fine. Ayos lang. Same-old fantasy. :P

Pero yun nakilala ko si Reepicheep, ang makulit na mouse. Magaling na mandirigma at sobrang makulit talaga.

One thing for sure is I did love the place and the music of Narnia.

Its the place where the four siblings re-enter Narnia that I was so amazed called Te Whanganui-A-Hei or most commonly known as Cathedral Cove in New Zealand. Ganda ng view. Promise, ang sarap magrelax. Nafeel ko yun na parang gusto ko tuloy pumunta dun. hehe..

The soundtrack that was played towards the ending from Regina Spektor is entitled 'The Call'. Medyo sad pero sarap sa tenga.

=======================
You'll come back
When they call you
No need to say good bye

The Two David is the Phantom of the Opera

No comments:
I wasn't able to watch the full season of American Idol 7. Though, I did catch the final showdown and the results. I was so surprised there was a 'Phantom of the Opera' night. I was looking for David's songs and I stumble upon with their phantom songs. Well, I really like the Phantom of the Opera. I have already watch it many times but I never get tired because I love their music.

Here are my faves:
"The Music of the Night"
"Think of Me"
"The Phantom of the Opera"
"All I Ask of You"

David Cook's The Music of the Night was like the original, I thought it was. But towards the ending, there was the touch of David Cook.

David Archuleta's Think Of Me was so angelic. Not being bias, but I really love his rendition since the start of the song.

Whichever.. I love the songs..

Kiddie Stars

No comments:
Lumabas ako ng bahay at naggrocery sa malapit na mall. Pero napatambay ako nung may nakita akong may nagrerehearse na mga bata. Ang kyu-kyut at ang kukulit. Nakakatuwa talaga sila.

Pero grabe, may mga labteam. Hiyawan yung kiddie girls, kinilig ata sa isang kiddie boy. Kumusta naman yun.

May nakita akong badboy. May isang Riza Santos. May John Pratts. Meron din si Binoe. Madami sila. Basta magagaling at sobrang nakakatuwa lang.

Eto mga pics nila...






Series of Ewan Part Two

No comments:
Sana magawa mo yung dapat gawin ng kusa.

Lahat tayo nagtratrabaho. Nagpapagod. Ako, napapagod at oo minsan, tinatamad ako kaso pag iisipin mo, wala naman ibang dapat asahan para sa bagay-bagay na dapat naman talaga ikaw ang gumagawa. Kaya kahit papano, kahit mahirap, sige lang. Kelangang kayanin. Sana lang maisip mong gawin yung part mo. Hindi na naman kelangang sabihin yun. Kasi alam mo na naman yun. Makiramdam ka na lang.

Dati, sabi ko gusto kong magisa.,para magawa ko lahat ng naisin ko. Walang problema. Walang hassle. Basta ako lang. Ako ng bahala sa buhay ko. Kaya ko na to! Ngayong nandito na. Masaya wala na kong iisipin pang iba kundi ako lang. Minsan nachachallenge ako, at nakakapanghina pero nagagawa ko pa ding maging masaya kahit sa papanong paraan. Pero in the end, parang may kulang pa rin. Parang panandalian lamang to. Kasi minsan, nakakalungkot. Ano ba ang missing? Ano yung nakakapagbigay sayo ng emptiness? Mag-aantay na lang ba hanggang dumating ang kasagutan? Hindi rin eh, wala din namang mangyayari. Kelangan mong maghanap, at least kahit papano may nagawa ka. Bahala ka nga..

Series of Ewan Part One

No comments:
Hirap ng pinagseselosan..nakakasira sa pinagsamahan..sa pagkakaibigan..sa magiging magandang samahan...

Ganun ba talaga magselos? Kahit ano na lang, basta walang pwedeng umepal. Di na kelangan kilatisin pa yung mga aaligid-aligid. Basta hindi pwede, hindi talaga pwede. Kung sabagay, kahit ako, ayokong may ibang kahati ng atensyon. Pero syempre kung trust mo yung partner mo na maging loyal, okay lang naman siguro na may umaligid. Pero hindi ko pa rin masabi. Bakit kelangang magselos?

Ang hilig kong magexpect. Naalala ko pa yung biruan namin tungkol sa expect expect na yan. Kelan ba dapat mag-expect? Kailangan bang mag-expect? Ewan ko. Kasi ako, sobra ko lang pinapangalagahan ang bawat bitaw ng salita kaya asahan kong matupad ang dapat matupad. Pero mahirap din kung aasa ka na lang palagi dahil hindi naman sa lahat ng oras eh mangyayari yun. Eh kung bakit kelangan pa kasing magsalita at magiwan ng kung ano ano pang promise. Eh kung hindi kayang gawin talaga, eh di wag ka na lang magsalita.

Kelan kaya titigil ang lahat? Kung kelan wala ng buhay? Nasa iyo naman kasi kung paano mo patatakbuhin ang lahat. Siguro masyado ka ng matulin kaya napagod ka na. May hinahabol ka ba? Kung wala naman, ireserba mo na lang para sa iba. Eh kung talagang kelangan talaga, wag kang tumigil. Habol lang, pasasaan din at maaabutan mo rin. Pero kahit ano pa yan, dadating at dadating ka din dun. Tuloy lang.. tuloy lang ang buhay.