Top Ads One Liner

I'm Sorry Eyes

Friday. Nang makaramdam ako ng pananakit. Medyo petiks ako ng araw na yun. Tipong pumasok lang para dumisplay at magbrowse lang ng browse sa internet. As in bawal mag-work. Ika nga eh, naka-friday mode ako. Kaso dahil sa wala naman akong magulo, ako ay napastatus na lang sa YM ng 'Please Disturb Me'. Nagbabaka-sakaling mayrong tumulong saking pumetiks. At maya-maya, ayon na nga, ako ay ginulo ng ginulo. Sadyang ang sumaya ng araw ko at tila ba nagbabadyang maging maganda ang pagtatapos ng aking buong linggo.

Ngunit subalit datapwat ako ay sinusubukan ng tadhana. Ako ay bigla biglang napapikit at hindi mawari ang aking mukha sa aking naramdaman bago matapos ang araw na yun. Nagmabilis kumalat ang hapdi at pamumula ng aking beautiful eyes.
Pakiramdam ko ay napuwing ako at parang may lumusob sa paligid ng aking nagmamagandang mata. Dagli dagli akong pumunta sa wash area at naghilamos baka matanggal kung ano man yung nanduduon. Sabay deretso sa clinic at nagpakonsulta kay doc. Ngunit si nurse lang ang gumabay sakin. Mukhang taranta si nurse dahil hindi nya malaman ang gagawin at sasabihin sakin. Sabi lang nya na magpakonsulta na lamang ako sa opthalmologist.

Pag-uwi kinagabihan, ako ay nagsalin ng tubig sa munting batya. Nilublob ko ang aking mukha na nakamulat ang mata ngunit hindi ito naging matagumpay. Itinulog ko na lang ang sakit.

Kinaumagahan ng hapon na ako nakapunta sa Megamall, bandang 2pm, para ipacheckup ang aking magandang mata. Una kong pinuntahan ang Mega Clinic sa 5th floor at nagtanong kung may optha sila na available at kung accredited sila ng RX medicard na aking dala dala. At sa kasawiang palad, sila ay hindi ganun kasosyal. Hindi daw sila tumatanggap ng ganung healthcard. Tinanong ko na lang kung magkano ang konsulta kunwaring cash ang aking ibabayad at sinabi nilang tumataginting na 500. At ang sabi ko, ah KThanksBye!

Pumunta ako sa information at sinabi nilang itry ko daw sa Clinica Manila 2nd Floor. At parehas kong tanong kung meron silang available na optha at kung RX medicard accredited sila at sila na nga ang aking hinahanap. First time kong pumasok dun, wow, daming nakapila. Medyo malaki pala yung clinic na yun. Ako ay nag-antay sa aking numero para sa registration. Sa king pag-aantay, andaming sumagi saking isipan habang papikit pikit ang aking mata. Parang beautiful eyes lang.

Sana okay naman.
Sana gamot lang.
Sana wala namang operasyon.
Sana hindi naman ganun kaseryoso.
Pano ko na lang makikita ang mga magagandang bagay, lugar at pati na rin ang mga magagandang nilalang.

Huwag naman sana, Lord. Sa wakas natapos din ang aking pagdradrama nang ako'y tawagin na sa registration. Pagkatapos nun pinapunta ako sa nurse area at nag-antay sa opthalmologist. Buti kaunti lang kami sa linya. Pangatlo ako. At saglit lang ay ako na. Sinalaysay ko ang aking kwento kay doc. Sana po matanggal nyo, parang may something eh. Di ko lang po sure. First time ko sa optha na todo ang pinaggagawa sa aking magandang mata. Una pinabasa nya ko nung maliliit na letra sa magkabilaang mata at buti marunong naman ako magbasa. Sumunod ay sinalang nya ko sa gamit nyang makina. Tingin tingin sa itaas ibaba sa kaliwa at kanan. Wala naman siyang makita. Maya-maya lang ay tinurukan pala nya ito ng anesthesia para siguro mas lalo nyang makita ang paligid ng aking mata. Pero sa huli, wala naman na daw yung foreign body puro gasgas na lang daw. Marahil naging sanhi ng aking paghilamos at pagpunas sa aking mata. Kaya din lalong namula at sumakit.

Kinalabasan ay SORE EYES. Niresetahan nya ako ng eyedrops at binigyan ng medical certificate for 2 weeks rest. Wow, bakasyon ito. Ang saya saya ko. Sabi ng boss ko. Magpagaling daw muna ako at wag matigas ang ulo. Ayun, nakaleave ako hanggang ngayon. Kaso ayoko na rin. Nakakabored din pala. Tsaka medyo okay na naman ngayon yung pakiramdam ko. Hindi na rin mapula ang aking mata.

Kaya bukas, bagong simula. Ako ay papasok na.

5 comments:

2ngaw said...

mabisa kong gamot jan pre sa sore eyes eh vicks, seryoso ako, isang gabi lang ang sore eyes sa akin...

salamat sa pagdaan, add na rin kita :)

ardee sean said...

@LordCM: binigyan ako ng reseta ni doc ng eyedrop pero mukhang cream tig-500.. awts, i should have tried yung vicks kung mabisa din pala.. :P

kikilabotz said...

ay ganyan ganyan din ngyari sa kapitbahay naming nabulag eh. hahahaha. joke. sore eyes lang pla. magsalamin ka para hnd masyado makamot myung mata kapag kumakati..iwas haawa na rin sa iba. pagaling agad parekoy

ardee sean said...

@kikilabotz: ahaha.. kumusta nman yun. actually parang nanilip lang para malaman ang kulay ng buhay gaya ng nasa thumbnail mo.. lol

i'm all okay na. tanx

Chyng said...

true, P500 nga yung small bottle ng pamatak sa mata.. maharlika!